Aralin 28
Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Itinuturing na ikalawang yugto ng imperyalismong Kanluranin ang ika-19 na siglo. Nagsimula na ang panahon ng eksplorasyon noong ika 15 siglo at naging resulta nito ang pagtatag ng mga kolonya sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Gayum-paman Latin Amerika Subalit hindi ang Asya at Africa.
Ano ang mahahalagang salik na nagtulak sa mga Europeo upang ipagpatuloy at paigtingin pa ang imperyalismo sa ika-19 na siglo ? Ano ang mga teritoryong narrating at nasakop nila ? Ano ang malawakan at pangmatagalang epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo?
Sa ikalawang yugto ng imperyalismo kapansin-pansin na ang pinagtuunan ng pansin ng mga Europeo ay ang Africa at ang Silangang Asya. Sa pag-unlad ng Rebolusyong Industriyal sa Europe simula ika-18 siglo , naging malaki ang panga-ngailangan para sa mga hilaw na materyales na makukuha sa Africa at Asya gaya ng bulak ,goma , seda ,vegetable oil , at mineral . Estratehiko rin ang mga daungan nito bilang basing pandagat ng mga Europeo . Dalawa ang reaksiyon ng mga bansang naapektuhan ng imperyalismo.
MGA SALIK SA PAGPAPALAWAK NG IMPERYONG KANLURANIN
Ayon sa mga historyador, walang isang salik na nagpasidhi ng imperyalismong Kanluranin noong ika-19 na siglo. Sa katunayan , ito ay bunsod ng maraming salik na may kinalaman sa isat’isa at hindi maaaring tingnang magkakahiwalay . Ilan sa mga pangunahing salik na ito ay pang-ekonomiya at political.
Pang-ekonomiyang Salik
Sa ika-19 na siglo , naging mas madali para sa mga Europeo ang paglalakbay sa malalawak na karagatan. Ito ay dahil sa mga imbensiyon sa teknolohiya at agham na dulot ng Rebolusyong Industriyal at Rebolusyong Siyentipiko sa Europe. Pagdating nag huling bahagi ng ika-19 na siglo, ang pagkakaimbento sa malayuang paglalakbay sa steam-boat , nagalugad din maging ang makikitid na mga ilog . Ang pagkakaimbento sa telegraph ay nagbigay-daan upang maging madali ang ugnayan sa pagitan ng malalayong lugar. Sa agham , ang pagkakatuklas sa quinine bilang gamot sa malaria ay nagbigay ng pagkakataon sa mga manlalakbay para sa mga tropikal na klima ng Asya at Africa. Ayon sa ekonomista na English na si John Atkins Hobson sa kanyang aklat na Imperialism: A Study (1902),ang nalikha ng Rebolusyong Industriyal ay labis na capital na nangangailangan ng paglalagakan bilang puhunan.Ang hindi pantay na pamamhagi ng yaman ang siya diumanong pinanggling ng labis na kapital.Bilang resulta, kinailangang maghanap ng mga lugar sa labas ng Europe sa paniniwalang mastutubo nang malaki ang kapital.Subalit ayon kay Habson,hindi nakakailanganin pa ang imperyalismo kung magkakaroon lamang ng pantay na pamumudmod ng yaman sa pagitan ng mayaman at mahirap.
Ayon naman sa nangungunang tagapulong ng ideolohiyang Marxist sa Russia na si Vladimir llyich Ulyanov,kilala bilabg Lenin,ang”imperyalismo ang pinakamataas na antas ng kapitalismo” Naging imperyalista ang mga kanluranin dahil sa labis na kapital at pangangailangan ng pamilihan at paglagakan ng kanilang kapital.Sinangayunan ni Lenin ang palagay ni Hobson na ang pangangailangan para sa paglalagakan ng kapital ay bunga sa pagdasa ng produkto sa Europe at pagiging puno ng pamilihan nito.Ibig sabihin , ang produksiyon ng mga Europe na mapagdadalhan nila ang labis na produksiyon.
Politikal na Salik
Matatandaan na noong 1859,binalangkas ni Charles Darwin sa kanyang akdang On the Origin of Species by Means of Natural Selection Ayon sa kanya , ang ebolusyon ng mga uri (species) ng hayop at halaman ay sa pamamagitan ng natural selection.Nakilala ang teoryang ito bilang Social Darwinism o ang paniniwala na ang natural selection ay angkop din sa mga ugnayan ng tao sa daigdig.Nanaig ang din ang prinsipyo ng survival of the fittest na nagsasaad na ang may mga katangiang higit na angkop para mabuhay sa daigdig ay yumayaman at nagtatgumpay.Ginamit ang Social Darwinism upang magtangi ng lahi.Sa pananaw ng mga racist o nagtatangi ng lahi,ang mga lahing puti ay umuunlad at nagiging mas mataas ang ants ng sibilisasyon kaysa mga lahing dilaw,itim,at kayumanggi.Sa usapin naman ng mga bansa ,may paniniwala ang mga Social Darwinist na kinakailangan ang pagpapalawak ng imperyo dahil ang mahihinang bansa ay mapapasailalim na malakas na bansa.Kaaakibat ng Social Darwinism ang paniniwalang tinatawag na White man’s burden.Ito ay ang paniniwala na ang mga puti ay may obligasyong tulungan ang mga kapus palad sa daigdig at maturuan sila ng mga pagpapahalagang Kristyano at kasnayang Europeo.
Sa kagustuhan ng pamahalaan na mapaunlad ang nasyonalismo ng mga Europeo,hinikayat ang pag papalimbag ng mga kwento ng pakikipagsapalaran at mga aklat tungkol sa paglalakbay.Nabuo ang mga grupo gaya ng Colonial League sa germany at British Empire League na nagtagyod ng ideya ng kolonyalismo.
IMPERYALISMO SA AFRICA
Ang pag-aagawan sa Africa at asya ay resulta ng pahina ng Britain sa pagtatanggol ng mga ugnayang pang ekonomiya na naitatag nito sa mga nauunang dekada .pagdating ng dekada 1880, ang Britain ay humarap sa mga hamong pandagat,komersyal at teknolohikal mula sa ibang bansang Kaunlarin ng Germany ,France, aat United States .Untiunting humina ang ekonomiya ng Britain at nawala ang dominasyon niya sa kalakalang pandaigdig.Matatandaang makapangyarihan ang Great Britain sa larangan ng ekonomiya dahil sa Rebolusyong Industriyal .Subalit bumaba ang kanyang parte o bahagi sa kalakalang pandaigdig simula 1880.
Sa pahina ng Britaain ,ang puwang ng iniwan nito ay agad pinag-agawan ng mga karibal na pwersang Europeo para sa mga teritoryo sa Africa .Ang pagpayag ng Britain sa Berlin Conference noong 1884 ay nagpatunay ng pahinang ito.Ang Ber;in Conference ang nagbigay daan sa paghahati ng Africa.
MGA BALAKID SA PAGUNLAD NG AFRICA
Ang Africa ay isang malaking kontinente .Bulubundukin ang halos kabuuan ng hilagang baybayin nito na nakaharap sa Mediterranean Sea.Sa timog ng mga bundok na ito ay ang Sahara Desert ang kahbaan ay mula Atlantic ocean hanggang Indian Ocean . Ang Atlantic Ocean ang hangganan ng Africa sa hilaga at kanluran ay nagsisilbing proteksiyon ng kontinente mula sa tagalabas,subalit nagbigay-daan din ito upang mahirapan naman ang mga African na maglayag papunta sa ibang bahagi ng daigdig.Sa mga disyerto nito aya sobra ang init at bihira lang ang pagulan.Sa mga kagubatan naman nito ang nakabalatay sa equator. Ang maraming pesteng may dalang sakit gay ng Yellow fever ay matatagpuan din sa kontinenta Dahil ditto ,mataas ng bilang ng namamamatay at noon lamang ika -20 siglo nagsimulang bumilis ang paglaki ng populasyon ditto.
Ang Africa ay binubuo ng ibat ibang pangkat etniko na may iba’t ibang pangkat etniko na may iba’t ibang wika kaya hindi agad nakamit an pagkakaisa ng mga mamamayan nito.Ito rin ang naging dahilanupang maging matagumpay ang pagpasok ng kolonyalismong kanluran ditto.
MGA EUROPEONG NAGLAKBAY SA AFRICA
Karamihan sa nga Europeong naglakbay sa Africa ay mga eksplorer ng pamilyar lamang sa Hilagang Africa subalit hindi pa batid
Eksplorer
|
BAhagi ng Africa na narating
|
James Bruce
|
Blue Nile
|
Mungo Park
|
Nile
|
Richard Lander
|
Niger
|
Richard Burton/John Speke
|
Lake Tanganyika at Lake Nyaza
|
James Grant/John Speke
|
Pinatunayang ang Lake Nyaza ang pinagmumulan ng Nile
|
David Livingstone
|
Victoria falls
|
Henry Stanley
|
Iginawad ang Congo sa hari ng Belgium na si leopold
|
Kalawakan ng rainforest at damuhan sa timog ng Sahara .Tingnan ang talahanayan 28.1 sa Africa.
Si David Livingstone ay isang Scot na doctor, misyonero at manggagalugad na pumunta sa Africa noong 1841 at nagtayo ng mga misyong medical.Ginalugad niya ang Africa at sumulat ng kanyang aobserbasyon at karanasan ditto.Gumawa siya ng talaan ng mga hayop at halaman at pati narin ang mapa,Noong 1871 ,tumungo si Henry Stanley sa Africa para hanapin si Livingstone.Si Stanley ay isang ametikanong mamamahayag at manlalakabay.Matapos ang walong buwan ,natagpuan niya si Livingstone sa Lake Tanganyika sa kasalukuyang Tanzania.May sakit na si Livingstone subalit patuloy pa rin sa pagalugad .Namatay si Livingstone matapos ang dalawang taon.samantala ,ibinalita ni Stanley sa daigdig ang mga ulat ni Living stone naliwanagan ang mga kanluranin hingil sa Africa sa pamamagitan ng pagbabasa ng ulat nila.
ANG PAGAAGAWAN SA AFRICA
Bago ang 1880,nangkapagtatag na ang mga bansa ng Europeo ng mga istasyon (outpost) at kolonya sa mga baybayin ng Africa .matindi ang tunggalian ng mga bansang Europeo para makakuha ng lupa at likas na yaman sa Africa .Upang maiwasan ang tunggalian ng interes, isinagawa ang Berlin Conference noong 1884 sa kahilingan ng Germany .Ito ay upang maisaayos ang kompetisyon sa pagitan ng Britain,France, at Germany.
Bungan g Berlin Conference ,nahati ang Africa sa mga bansang Europeo.Paagdating ng 1914,tanging Ethiopia at Liberia lamang ang mga bansa sa Africa at europeo.Ang teritoryong nasakop ng mga British ay ang Sierra Leone na itinatag noong 1787 sa tulong ng isang dating alipin na si Olaudah Equiano at ang Cape Colony na sinakop nila noong 1815.Nakontrol din ng mga British ang Suez Canal noong 1875.NAtalo ang mga Boer, ang tawag sa mga mamamayang Dutch na naninirahan sa Africa.
Ang karanasan ng Africa sa direktang kolonyalismoay isa sa mga epekto ng imperyalismong Kanluranin sa rehiyon .Dahil ditto ,napasasailalim ang mga katutubo sa kapangyarihan political,pangekonomiya ,at hudisyal ng mga Euroeo.Bilang resulta ,nasira ang katutubong kultura ng mga taong dati ay nakasalalay ang organisasyong political sa mga grupo o tribo.
IMPERYALISMO SA ASYA
Tulad ng Africa, ang Asya ay pinaghati-hatian din ng mga bansang Europeo simula ng ika -16 na siglo . Ang magkaribal na bansang Kanluranin ay may kanya kanyang kolonya sa Asya .Pagdating ng ika-19 na siglo,ang Asya ay nahati sa kapangyarihan ng mga bnsang Kanluranin.
Sa Timog Asya , ang India ay pinagagawan ng French ,Portuguese,at British.Pagkatapos ng Seven Year’s War (1756-1763) kung saan natalo ng mga British ang mga French ,nanaig sa India ang kapangayarihan ng mga British. Ang Sri Lanka ay nasakop ng mga Portugese (1505), Dutch (1656), AT British (1796). Sa Silangang Asya , ang Macao ay naging kolonya ng Portugese hanggang 1999 samantala ang Hongkong ay napasailalim ng mga british noong 1997.
Sa Timog silangang Asya, ang Malacca ay unang napasailalim sa Portugal at ng lumaon, sa Great Britain. Nasakop din ang Great Britain ang Malaya, Singapore, at Burma. Ang Vietnam, Laos , at Cambodia ay nasakop ng France at ang Indonesia ay napasailalim sa Netherlands. Ang Pilipinas ay naging kolonya ng Spain pagkatapos ay ng United States. Sa Silangang Asya , ang Korea ay nanatiling Malaya hanggang 1910 bagama’t napasailalim din sa impluwensiya ng Russia at Japan. Noong 1910 , tuluyang sinakop ito ng Japan. Naging imperyalistang bansa ang Japan matapos lumakas itosa pamamagitan ng modernisasyon. Niyakap ng Japan ang impluwensiyang Europeo at Amerikano upang maging dernisa. Kakaiba rito ang nangyari sa China.
IMPERYALISMO SA CHINA
Middle Kingdom o Gitnang Kaharian ang turing ng China sa kanyang sarili. Nangangahulugan itong mataas ang pagkilala ng China sa kanyang sarili. Nanganaghalugan itong mataas ang pagkilala ng china sa angkin nitong sibilisasyon. Ito ang dahilan kung ang pagkakalahati ng China sa iba’t ibang puwersang Kanluranin noong ika-19 na siglo ay isang malaki ,tanging Canton lamang bukas na daungan ng China para sa kalakalan .Kinakailangan pa na magkaroon ng Digmaang Opyo upang mabuksan ang mga daungan ng China para sa KAnluranin..
Sa mahabang panahon ,higit na kapaki-pakinabang sa China ang pakikipagkalakalan nito sa mga British sa produktong Tsino tulad ng tsaa at seda kung ihahambing sa pangangailangan ng tsino sa mga produktong British.Higit sa seda,tsaa ang pangunahing produkto ng China na nais ng Britain .Nang lumaon,at upang akuha ng mas maraming pilak para maipalit sa tsaa ng China , nagpasok ang mga British ng Opyo sa China mula sa India.Ang paglaganap ng Opyo ay nakaapekto sa kapayapaan at kaayusan sa China kung kaya ipinagnbawal ng Emperador ang pagpasok nito sa bansa .Isinamsam ni Commision Lin zexu ang mga kontrabandong Opyo ng mga British.
Naganap ang unang digmaang Opyo noong 1839 hangang 1842 .natalo ang China at pinirmahan ng dalawang panig ang Ttreaty of Nanking noong 1842.
Sumiklab ang ikalawang Digmaang Opyo sa pagitan ng China at ng magkakamping France at Great Britain noong 1856 hanggang 1860. Muling natalo ang China at lumagda ito sa Treaty of Tientsin noong 1858 at 1860. KAbilang sa probisyon nito ang pagbubukas ng China ng karagdagang 11 daungan; pagiging legal ng kalakaalng Opyo : at pagtanggap ng China ng mga kinatawang diplomatiko ng mga Bansang Kanluranin
Ang France ay nagkainteres sa China .Lumagda ang China sa kasunduan na na nagpasok sa mga misyonerong French sa Timog China . Sa kaso ng Russia , nakuha nito ang malaking bahagi ng Manchuria mula sa China bunga ng Treaty of Peking noong 1860. Noong 1849, nakuha ng Portuguese ang Maccau. Hindi rin nagpAhuli ang Japan. Bungan ng digmaang Sino-Japanese noong 1894 -1895, Lumagda ang China sa Treaty of Shimo no seki noong 1895. Nagkaroon ang Japan ng kapangyarihan sa Korea , Formosa (Ngayon ay Taiiwan), Pescadores , at Russia sa kasunduang ito, subalit sa naganap na digmaang Raso Japanese noong 1905 , natalo ang Russia at kinilala nito ang interes ng Japan sa Korea.
Walang naggawa ang China sa Imperyalismong Kanluranin at Hapones.Lumagda ito ng mga hindi pantay na kasunduan kung saan naglkaloob ito ng teritoryo at karapatan sa mga dayuhan .Nahati ang China sa spheres of influence. Ibig sabihin, may mga bansang Kanluanin na nagkaroon ng eksklusibong karapatang sa teritoryong nakuha nila.
EPEKTO NG IMPERYALISMO
Ang imperyalismo sa Frica at sa asya ay naging daan upang makaranas ng pagsasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan. Pinagsamantalahan ng mga kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-pag gawa. Naging sanhi din ito ng pagkasira ng katutubo sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng impluwensiyang kanluranin. Sa usapin ng hangganang pambansa, ang pamana ng mga kanluranin ay ang hidwaan sa teritoryo namamayani parin ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga ng hindi makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan.
Submitted by:Charlene Oppus
Ailien Pelesco