Aralin 33: Kasaysayan at Epekto ng Cold war

Ang mahigit apatna dekada matapos ang ikalawang digmaaang pandaigdig ay tinatawag na panahon ng Cold War. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutunggaliang ideolohiya ng dalawang pinakamakapangyarihang bansa o superpower. Pinangunahan ito ng United States (U. S.) bilang modelo ng kapitalismo at ng Union Soviet Socialist Republics (U.S.S.R.) na nakabatay sa sosyalismo. Bahagi at pinakamakapangyarihan ang Russia sa tinawag ng U.S.S.R. Tinawag itong Cold War sapagkat hindi tuwiran o direktang nagdigmaan ang dalawang bansa. Sa kabila nito, nag init din ang tunggalian dahil sa rebelyon at digmaan sa mga bansang napailalim sa impluwensya nila. Ang mahigpit at mainit na tunggalian ng dalawang bansang ito ang dahilan kung bakit napanatili ang balance of power o balanse ng kapangyarihan sa daigdig. Dahil sa kanila, nabansagan din ang kaayusang pampolitika noong panahon ng Cold War na bipolar world o daigdig na may dalawang magkaibang panig.

  • Kahulugan ng Domino Theory at ang Pagkabuo ng mga Alyansa.

          Sa panahon ng Cold War, naging patakaran ng U.S. at U.S.S.R. na manghimasok sa pamamalakad ng pamahalaan ng mga bansang tina-taguriang Third World. Ang terminolohiyang Third World ay orihinal na tumutukoy sa mga bansang hindi yumakap sa kapitalismo (mga bansang industriyalisado sa Second World) Subalit sa kasalukuyan, ibat ibang ideolohiya na ang niyakap ng mga bansang Third World. May tumanggap ng kapitalismo, komunismo, kombinasyon ng dalawa,o iba pa. Sa ngayon, tumutukoy ang Third World sa mga bansang mahihirap, baon sa pagkakautang, at karaniwang dating kolonya. Maraming bansa sa Africa ang nabibilang sa Third world tulad ng Somalia, Rwanda, Nigeria, Ethiopia, Vietnam, Laos, Cambodia, Sri Lanka, Bangladesh, Pilipinas, at iba pa.

  • Mga Anyo ng Cold War

Ang Cold War ay hindi nangangahulugan ng direktang armadong digmaan ng dalawang puwersa. Ang digmaang ito ay kinapalooban ng ibat-ibang anyo ng tunggalian tulad ng proxy war, arms race, space race, propaganda warfare, at espionage. Walang direktang digmaan ang naganap. Sa halip, ito ay naging kompetsyon ng pagpapalaganap ng kanilang impluwensiya sa ibat-ibang panig ng daigdig sa pamamagitan ng mga paraang nabanggit.

  • Proxy War ng mga kaalyado ng U.S. at U.S.S.R.

 

Tumingkad din noon yugto ng Cold War ang tinatawag na proxy war kung saan sa halip na ang dalawang superpower ang tuwirang magtunggalian, pinangunahan ito ng kanilang mga satellite, client state o yaong mga kontrolado at kaalyadong bansa. Tinalakay na kung paano sinopurtahan ng kapitalistang U.S. ang south Korea laban sa North Korea na suportado naman ng sosyalistang U.S.S.R. Ganito rin ang sitwasyon ng South Vietnam at North Vietnam noong dekada 1960 at 1970

 

  • Space Race ng U.S. at U.S.S.R.

Bunga ng patuloy na tumitinding kompetisyon ng U.S. at U.S.S.R. naglunsad ang mga bansang ito ng eksplorasyon sa kalawakan. Hindi nagpahuli ang bawat isa sa pakikipagtagisan sa larangan ng agham at teknolohiya para makarating sa kalawakan.

  • Pagpaparami ng Armas

Pangamba ang bumalot sa mga mamamayan ng buong daigdig nang tumindi ang kompetisyon ng U.S.S.R. at U.S. sa pagpaparami ng Armas. Bunga ng nananaig na paranoia sa magkabilang kampo, nagparamihan sila ng produksyon ng armas upang makalamang sa katunggali at bumuo ng imahen na higit na nakapangyayari kaysa isa. Ang paranoia ay nangangahulugang hindi makatuwirang takot at pagsususpetsa sa iba. Ang matingkad na pagtatagisan ng dalawang pwersa ang nagpanatili ng balance of power sa pagitan nila. Nagkaroon din sila ng balance of tenor na pumigil sa pagkakaroon ng digmaang nukleyar. Kapwa batid ng U.S. at U.S.S.R. na ang paggamit nila ng armas nukleyar ang magiging katapusan nila pareho at ng pagkapinsala sa buong daigdig.

  • Propaganda Warfare

Mainitan din ang tunggalian ng kampo ng U.S. at U.S.S.R. sa larangan ng propaganda warfare. Napakahalaga ng naging papel ng kanya-kanyang state-sponsored media o media na pag aari o suportado ng pamahalaan. Ito ang kanilang ginamit upang magtaguyod ng ideolohiya at upang kasabay ring masiraan ang reputasyon ng kalaban. Saksi ang daigdig sa tagpong ito.

  • Espionage

 

Lalong umigting ang cold war dahil sa palitan ng akusasyon ng U.S. at U.S.S.R. ng pag eespiya ng magkabilang panig. Noong 1960, nagkaroon ng pagpupulong sa paris ang mga kinatawan ng dalawang bansa, kasama ang kinatawan ng Great Britain at France upang pag usapan ang pagkakamit ng pandaigdigang katahimikan at katatagan. Naudlot ang usapan sa Paris dahil inanunsiyo ni Nikita Khrushchev, punong ministro ng U.S.S.R. na may napabagsak ang soviet missile na U-2 o eroplanong Amerikano na may lulan na mga kamera at mga kagamitang pang espiya. Nahuli raw itong kumukuha ng larawan ng isang sensitibong estruktura ng U.S.S.R. malapit sa Ueal Mountains.

 

  • Yugto matapos ang Cold War

 

Ang pagtatapos ng coldwar ay nagsilang sa New World Order na nagbigay-daan upang tuluyang maging sentro ng daigdig ang U.S. sa usaping pampulitika, pang ekonomiya, at pangmilitar.

 

Renz Marvin Bodegon

Morris Lopez

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s