Aralin 27

Ang Rebolusyong Industriyal

Ang panahon ng eksplorasyon na isinagawa ng mga manlalayag na Europeo noong ika-15 hanggang ika-16 na siglo ay nakatulong sa pagtatag ng pundasyon ng Rebolusyong Industriyal. Dahil dito ay dumagsa sa Europeo ang mga pilak at ginto mula sa New World. Ang pagpapalawak ng kalakalan at ekonomiyang nakabatay sa salapi ay nagbunsod ng institusyong pananalapi. Ang Rebolusyong Industriyal ay nangangahulugang hindi lamang sa industriya naganap ang pagbabago. Mayroon ding pagbabago sa ekonomiya, agham at sa buong daigdig.

Pag-usbong ng Rebolusyong Industriyal sa Great Britain

Nakasalalay ang rebolusyong ito sa paggamit ng tool o kagamitan. Naganap ito sa Great Britain noong kalagitnaan ng ika-18 hanggang ika-19 na siglo. Ang Great Britain ang nanguna sa industriyalisasyon. Sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat madali rito ang tumungo sa pamilihan. Bukod dito, mahalagang salik rin na hindi mapasailalim sa puwersa ni Napoloeon ang Great Britain.Napoleon

Napoleon Bonaparte (Italyano: Napoleone Buonaparte;15 Agosto 1769 – 5 May 1821) ay isang Pranses militar at pampulitikang lider na nagtaguyod sa katanyagan sa panahon ng huling yugto ng French Revolution at ang mga nauugnay na digmaan sa Europa.

May sapat na kapital din ang naipon ng Great Britain sa mga naunang kalakalan kaya’t patuloy na umunlad ang ekonomiya ng Great Britain tulad ng paggawa ng telang yari sa bulak. Bunga nito ay natugunan ang malaking pangangailangan sa tela sa mga bansang Europe, Kanlurang Asya at America. Dahil dito ay nahikayat silang gumamit ng makinarya upang bumilis ang paggawa at lumaki ang produksyon.

Mga Salik sa Pag-unlad ng Rebolusyong Industriyal

            Ang pag-unlad ng sistemang pabrika ang siyang pangunahing katangian ng Rebolusyong Industriyal. Maiuugat ang Rebolusyong Industriyal sa ibat-ibang salik. Ang mga ito ay ang paglaki ng populasyon, enclosure movement, Rebolusyong Agrikultural, katangian ng ekonomiya, mga imbensyong  teknolihikal, at sistema ng transportasyon at komunikasyon.

Paglaki ng Populasyon

      Ang paglaki ng populasyon sa Great Britain ay lubhang nakatulong sa pagsasakatuparan ng rebolusyong industriyal. Nakatulong ito sa paglago ng mga industriya dahil sa karagdagang lakas-paggawa.

            Nakatulong sa paglaki ng populasyon ang pagbuti ng pagkain ng mga British dahil sa pagdami ng sariwang gulay at karne sa panahon taglamig. Ito ay dahil sinimulan nilang pakainin ng halamang-ugat (root crops) tulad ng singkamas ang kanilang mga alagang hayop. Gayundin ang naging epekto ng mga pagbabago sa material ng bahay.ang paggamit ng ladrilyo at tisa sa paggawa ng bahay ay naging hadlang sa pagkakaroon ng  mga pesteng kadalasang may dalang sakit. Lalong lumaki ang populasyon dahil sa mga salik na nabanggit.

Enclosure Movement
Ang enclosure movement ay isa sa mga nagdulot ng malaking pagbabago sa kaligiran ng mga kabukiran sa Great Britain. Sa pamamagitan ng enclosure movement, pitong milyong ektarya ng lupaing dati ay bukas sa publiko ang binakuran o pinaderan at naging pagmamay-ari ng mayayaman.
Maraming positibong epekto ito:
-Nagkaroon ng pagtaas sa produksiyong agrikultural.
-Pinasimulan ni Charles Townshend ang pagtatanim ng singkamas at trebol upang magbigay ng sustansya sa lupa, tumaas ang produksiyon, at may makain ang mga hayop sa panahon ng taglamig.
Rebolusyong Agrikultural
Mga kagamitang ginamit sa Great Britain sa Panahon ng Rebolusyong Agrikultural upang mapalago ang produksiyon:

ihy9212051a

McCormick reaper

– pinabilis nito ang pag-ani ng pagnanim. Imbis na gumamit ng kamay sa pag-aani gumamait ito ng ng mahabang talim. Habang nalalaglag ang tanim sa isang plataporma ay kinakalaykay ito ng isang manggagawa upang ipunin sa isang bunton.

seed drill

Seed Drill

ginamit ito upang maayos na maitanim ang binhi nang may tamang lalim sa lupa at agwat sa isat isa.

 Mga Imbensiyong Teknolohikal

Cotton_gin_EWM_2007Cotton Gin- inimbento ni Eli Whitney Noong 1793 na nakatulong sa madaliang paghihiwalay ng buto ng bulak mula sa hibla nito.

flying shuttle

Flying Shuttle- inimbento ni John Kay noong 1733 na nagpabilis sa pag-ikid ng sinulid.

TexJenny2

Spinning Jenny- inimbento ni James Hargeaves noong 1764 na nagpabilis nang walong beses sa pag-ikid ng sinulid. Higit na maraming sinulid na ang magagawa.

water_frame_2

Water Frame- inimbento ni Richard Arkwright noong 1769 na nakapaghabi nang mas manipis subalit mas matibay na sinulid.  Gumamit ng tubig upang mapatakbo ang mga spinning wheel.

 spinning-mule

Spinning Mule- inimbento ni Samuel Crompton noong 1779 na napagsama ang katangian ng spinning jenny at water frame.Modern_Power_Loom-marsden

Power Loom- inimbento ni Edmund Cartwright na binigyan n patent noong 1783 na nagpabilis naman sa pagtaas ng produksiyon.

 
Sistema ng Transportasyon at Komunikasyon

Ang padpapabuti sa sistema ng transportasyon at komunikasyon ay lubhang nakatulong sa Reboluyong Industriyal. Naimbento ni Richard Trevithick noong 1804 ang unang Steam-powered locomotive na nag-bigay daan sa pagbubukas ng mga riles. Mas mabuting makina ang nabuo ni George Stephenson at kanyang anak na unang gumamit sa pampublikong riles ng tren noong 1830. Malaki rin ang naging epekto ng pagkakaimbento sa riles ng tren at sa sasakyang pinapatakbo ng steam engine sa pagpapabuti ng sistema ng transportasyon. Noong 1830, binuksan na rin ang linyang Manchester at Liverpool. Nagkaroon din ang pagbabago sa mga sasakyang pandagat. Dahil dito, naging  mas mapagkakatiwalaan at mas mura ang paglalakbay sa dagat.

 
Epekto ng Rebolusyong Industriyal

Ang mga pagbabago sa produksiyong industriyal, transportasyon, at agrikultural ay may malaking imlikasyon sa pagbabago sa pamumuhay ng mga mamamayan. Ang uri ng mga manggagawa na tinawag na proletariat at ang gitnang uri o bourgeoisie na binubuo ng mga mangangalakal, may-ari ng pabrika, mananalapi, abogado, at iba pang propesyon.

Sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo, nagsimulang lumaganap ang Rebolusyong Industriyal sa Belgium, France, Germany, United States, at Japan.  Sa kabuuan, maipaliliwanag ng Rebolsyong Industriyal ang pangunguna sa kalakalang pandaigdiganng teknolohiyang ito ay may kakayahang maglabas o gumawa ng mga produkto nang maramihan sa mas murang halaga at mas mataas na kalidad. Dahil din sa Rebolusyong Industriyal, nahikayat ang mga Kanluranin na paigtingin ang pananakop ng mga kolonya. Isinagawa nila ang ikalawang yugto ng imperyalismo sa huling bahagi ng ika-19 na siglo.

 
Prepared by:
Ella Dia M. Hebron
III-ESEP-Mendeleev

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s