ARALIN: 22 PANAHON NG RENAISSANCE

“Ang panahon ng renaissance”

*Pag-usbong ng renaissance*

Sa pag-unlad ng agrikultura ,bunga ng  mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim umunlad ang produksyon sa Europe noong “middle ages” . dahil dito lumaki ang  populasyon at dumami ang pangangailangan ng mga mamamayanan na matutugunan  naman ng maunlad na kalakalan.ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ang nakinabang sa kalakalan .noong ika-11 hanggang ika-12 n sigalo umunlad iot bilang sentrong pangkalakalanat pananalapi sa Europe.ilan sa mga lungsod-estado na umusbong ay ang Milan, lorence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna at Genoa.

*Pamilyang Medici*

                Sila ay mga mangangalakan at banker kaya sila ay yumaman at nakilala sa europoe bilang mga duke. Sa pamilyang ito nagmula ang tatlong papa sina “Leo V”, “Clement VII”, at “Leo XI”, at dalawang reyna sina “Catherine” at “Marie”.   Mahalaga ang nagging papel ng Pamilyang medici sa pagpapalaganap ng “renaissance” sa pamamagitan ng pagtatayo ng pampublikong aklatan, pagsuporta sa mga pintor at eskultor.

*Ang Humanismo*

                Si Francisco Petrach ang tinaguriang “ama ng humanismo”  . pinagtuunan  nya ng pansin ang iniisip at nararamdaman ng mga roman.ang Humanismo ay kilusang intelektuwal noong panahon ng renaissancena naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at rome . ang nag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at rome ay tinaawag na “humanist o humanista” mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng humanides”

“Mga ambag sa renaissance sa iba’t-ibang larangan”

*Politika*

                Ang Europe ay kinakitaan ng paglalabanang political.  Ang naglaban-laban para sa pamumuno ay ang papa, emperador, at ang mga pinuno ng France at Spain. Sa larangang political ay nakilala rin si Niccolo  Machiavellie  ang sumulat ng “The Prince”. Sa aklat na ito ,nagbigay siya ng mga mungkahi kung paano mamuno ng epektibo. Sa medaling salita ang pamamaraan ng pinuno ,ano man ang anyo nito ay nagiging mabuti kung mabuti ang kanyang hangarin para sa nasasakupan.sa wikang ingles tinawag itong ‘The end justifies the means”.

Mariella M. Marasigan

III-ESEP Mendeleev


Kasaysayan

Naniniwala ang mga humanista na mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan upang maunawaan nila ang panahong kanilang kinabibilangan.

Sa kanilang pag aaral ay natuklasan nila ang mga pagkakamali ng mga eskribano ng middle ages sa pagkopya mula sa orihinal. May natuklasan din silang mga huwad na dokumento kung kaya nagsimula silang magsiyasat sa pagiging makatotohanan ng mga diumanoy isinulat ng mga eksperto.

Isang produkto ang kritikal na pagsusuri ng mga teksto ang sanaysay ni Lorenzo Valla (Circa 1406-1457) na may pamagat na Declamation Concerning the False Decretals of Constantine (1439-1440).Sa akdang ito, pinatunayan ni valla na huwad ang dokumentong nagsasaad na inilipat ni haring Constantine sa Santo Papa ang kapangyarihan sa Santo Papa ang kapangyarihan sa pamumuno sa kanlurang bahagi ng Imperyong Roman nang inilipat niya ang kabisera sa Constantinople.

image 1 images images 2

Mga mahuhusay na manunulat sa panahon ng renaissance:(mula kaliwa) Francois Rabelais Miguel de Cervantes Saavedra at william shakespeare.

Panitikan

Masasalamin sa panitikan ang temang humanistiko. Mapapansin sa mga sakda ng mga manunulat ng renaissance ang paghamon sa mga kaisipan ng middle ages, lalo na sa ideya ng pagiging makapangyarihan ng simbahan.

Sa France, si Francois Rabelais(1494-1553) nag may akda ng limang tamang aklat na pinamagatang Gargantua and Pantagruel kung saan ginawa niyang katawa tawa ang mga taong hindi naniniwala sa humanismo.

Naging Tanyag naman si Michael de Montaigne (1533-1592) dahil sa kanyang akdang essays na nalathala noong 1580 at nagimpluwensya sa panitikanng europeo sa modernong panahon. Ito ay dahil sa estilong pagkakasulat nito parang nakikipgusap at sa mga pinaksa ni Montaigne tungkol sa sarili, edukasyon, pakikipagkaibigan at iba pa niyang mga interes.

Sa Spain napantanyag si Miguel de Cervantes Saavedra (1547-1616) sa kanyang akdang Don Quixote de la Mancha na nailathala noong 1605. Sa nobelang ito, tinuligsa niya ang medieval na batayan ng katapangan na nakasaad sa chivalry.

Samantala sa England , si William Shakespeare(1564-1616) ang itinuturing na pinakadakilang manunulat sa wikang English. Sinulat niya ang mga tanyag na dula tulad ng Julius Caesar (1599-1600) at Anthony and Cleopatra(circa 1606-1607) na hinango niya mula sa kasaysayang Greek at Roman.

Sining

Ang katangian ng sining sa panahon ng renaissance ay

maihahalintulad sa sining n klasikal ng mga Roman at Greek kung saan binibigyang halaga ang pagiging kakaiba ng bawat mukha at pigura ng tao. Ang paggamit ng mga bagong materyal gaya ng mga oil-based paint ay katangian din ng panahong ito. katangian din nito ang paggamit ng tinatawag na na perpekstiba o impresyon ng lalim at layo s flat o surface ng painting upang makalikha ng realismo. Tumutukoy ang realismo sa paglalarawan ng mga bagay o tao batay sa tunay na anyo nito.

Isa sa ga tanyag na henyo ng sining noong renaissance ay ng Italian na sina Giotto Bondone (1267-1337) na unang gumamit ng teknik sa paglikha ng perpekstiba noong ika 14 siglo . Si Filippo Brunellschi ang nakatuklas sa paggamit ng mathematical laws upang maipakita nang malinaw ang perpekstiba. ang Flemish na si John Van Eyck namn ang nagsulong ng bagong teknik ng oil painting.

Si Leonrdo da Vinci ang nagpinta ng The Last supper (1498) at Mona Lisa (1503-1507) . Si Michael Angelo Buonarroti ang itinuturing na pinakamahusay na eskultor ng Renaissance. Nakilala si Raphael Santi sa kanyang mga pinta ng Madonna mula 1499 hanggang 1520. Bukod sa tatlo is pang naptanyag si Orazio Gentileschi na may likha ng Portrait of a Young Woman as a Sibyl (1620).

ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE

Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang ang tinaggap sa mga unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy. Si Isotta Nagarola ng may akda ng Dialogue on Adam and Eve(1451) at Oration On The Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kanyang kahusayan sa pagunawasa mga isyung teolohikal. Nariyan din si Laura Cereta mula sa brescia na bago mamatay sa gulng na 30 ay isinulong ng isang makabuluhang pagttanggol sa pag-aaral para sa kababaihan.

Sa Pagsulat ng Tula nariyan sila :Verronica Franco mula sa Venice at Vittoria Colonna Mula sa Rome . Sa larangan ng Pagpipinta nriyan sina Sofonisba Anguissola mula sa Cremona na my likha ng self-portrait (1554) at si Artemisia Gentileschi , Anak ni Orazio Gentileschi na ngapinta nag Judith and Her Maidservant with the head of Holofernes (1625) at Self -Portrait as the allegorry of Painting(1630).

EPEKTO NG PALIMBGAN SA PAGLAGANAP NG RENAISSANCE

Gumagamit na ang mg eurepeo ng wood block printing simula ika-12 siglo. kahawig ito ng ginagamit ng mga tsino simula 800 C.E. Noong unang bahagi ng dekada 1450, nakapaglimbag ang German na si Johann Gutenberg ng unang aklat , isang kopya ng bibliya, gamit ang naimbento niyang movable type na mas moderno kaysa naunang tipo.

Ang mga akda ng mga humanista ay lumaganap sa pamamagitan ng palimbagan. Mahalaga rito ang In Praise Of Folly(1511) ni Desidarius Eresmus (circa 1466-1536 ) na itinuturing na dahilan ng paglaganap ng Renaissance bilang isang pandaigdigang kilusan. Ginamit niya ang kapangyarihan ng pluma upang tuligsain ang teolohiyang eskolastika pang-aabuso ng kaparian , at itaguyod ang kanyang pilosopiya tungkol kay kristo. Sa Katunayan ang Humanismong Erasmian ay makikita sa mga akdang ng mga french na manunulat sa palimbagan mahirap maisakatuparan ang paglaganap ng kulturang Renaissance . Maging ang paglaganap ng mga ideya kaugnay ng repormasyon at rebolusyong siyentipiko ay nakikinabang din ng malaki sa pagunlad ng palimbagan.

Marla Lane Martinez

III-ESEP Mendeleev

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s